Kapuso Stars

All about your favorite Kapuso Celebrities. Collection of news, pictures, videos, and more. Visit the full website www.KapusoStars.com
Recent Tweets @kapusostars
Posts I Like
Who I Follow
Posts tagged "Marian Rivera"
Marian_dingdong_wacky_shot
This is the wackiest shot I’ve ever seen in my life, they look like mongoloids here, sorry for the term, well of course we know how gorgeous this couple are!

If you have more wacky shot of your idols, please send them and we will post it here.

Credits to Sheena Halili, she tweeted this picture of Dingdong visiting Marian

@mysheenahalili
Taray…ikaw na ang dinadalaw..ikaw na ang may bantay…ikaw na!! #tweetsformysweet

Marian_rivera_-_dingdong_dantes

Marian_rivera_and_her_dad
Marian hugging her dad.. sweet!

Hindi na ako umabot sa presscon kahapon ng Temptation Island dahil sa malakas na ulan.

Hoping pa naman si Dingdong Dantes na makakapunta ako sa presscon bilang suporta sa kanyang girlfriend na si Marian Rivera na inaway ng madir ni Heart Evangelista.

Between Marian and Heart, kampi ako kay Marian dahil kahit hindi ko nakakatsikahan si Heart, naniniwala ako sa mga kuwento ni Annabelle Rama tungkol sa kanya.

Hindi naman gawa-gawa ang mga kuwento ni Bisaya dahil siya ang dating manager ni Heart kaya kilalang-kilala niya ang mag-ina.

Marian Rivera, Heart Evangelista, Dingdong Dantes, GMA 7, GMA 7 Kapuso Stars, Temptation Island GMA, Celebrity Gossips, Female Celebrities, Male Celebrities,

Dahil kay Annabelle, nakabalik sa showbiz si Heart at nakatikim ito ng mataas na talent fee. Milyun-
milyon ang talent fee ni Heart dahil sa effort ni Bisaya.

Maugong ang balita na si Heart ang leading lady ni Dingdong sa next project nito sa GMA 7.

Ako na ang magsasabi na hindi na matutuloy ang project dahil mismong si Dingdong ang nagsabi sa akin na tatanggi siya kung si Heart ang kanyang makakapareha.

Pabor ako sa desisyon ni Dingdong dahil kung tatanggapin niya ang project, pagpipistahan lamang sila ng mga intrigero at intrigera.

Napatunayan ko na talagang mahal ni Dingdong si Marian dahil magagawa niya na magsakripisyo, sa ngalan ng kanilang pag-iibigan.

Habang abala ang lahat ng artista ng Temptation Island, nagsasaya naman si Heart Evangelista sa Brazil kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Sa kanyang mga tweets, panay raw ang kain nila. Nag-tweet din siya na sana ay nasa presscon din siya ng pelikula na ginanap kahapon ng tanghali sa kasagsagan ng ulan : “@lovipoe @RegalFilms @solennheussaff @Heartworld @imrufamaequinto I wish I could be there for the presscon of temptation island“

Tweet pa niya : “so much fun here I feel free from all the negativity so peaceful when your here you can laugh at anything instead of crying”


Maraming nanghihinayang na lumayas si Heart pa-Brazil after ng shooting nila ng Temptation Island nina Marian Rivera, Lovi Poe, Solenn Heussaff and Rufa Mae Quinto.

Nagkaalaman na sana kung andun siya kahapon sa presscon kung saan naging emotional si Marian
nang maungkat ang tungkol sa matagal nang pinag-uusapang panghihiya sa kanya ng mother ni Heart sa airport nang sunduin nito ang anak na may escort na mga pulis.

Ang akala pala ni Marian, ayos na sa kanila ang lahat. Pero nakatikim pa siya ng paninigaw ng ina ni Heart na kinaiinisan ngayon ng maraming fans ng actress.

In a way, hurt din si Marian dahil ang akala niya ay kaibigan niya si Heart, pero na-realize niyang hindi pala. In fact nag-swap pa nga sila ng role dahil magba-back out sana si Heart sa pelikula dahil hindi kaya ang kaseksihan ng role pero pinigilan siya ni Marian.

Pero ang ending, nag-away na lumaki nang pumasok sa eksena ang mommy ni Heart.

At obviously ipinarating kay Heart ang mga nangyari sa presscon kaya kahapon may pahabol siyang tweet : “Why is it so unfair? too much. Someone please do something if not i will have no choice. i may not be on the same page with mom 90% of the time but she is my mother so stop bashing her. if any lie is said with your info displayed then you will get what you deserve. sobra na po talaga. totally not fair anymore. this will be the last time. i will tweet about this negative vibe. I am on vacation and having a nice time and all i ever wanted was to finally laugh since. all i did was be silent and cry. tama na po.lets not be unfair. god bless and peace to all.”

Hmmm. Magkakasubukan dito.

Pero sa totoo lang, mas maraming kakampi si Marian sa away nilang ito.

Anyway maganda ang trailer ng pelikula na co-prod ng GMA at Regal Films at mapapanood sa mga sinehan sa July 6.

Si Chris Martinez ang direktor ng movie at kasama rin sina Aljur Abrenica, Mikael Daez, Dennis Trillo at Tom Rodriguez.